in

Reaksyon ni Jodi sa sweet photos ng ex-husband niyang si Pampi Lacson at Iwa Moto kinagiliwan ng netizens

“Sana all.”

Ganito ang nasabi ng karamihan sa mga netizen na nakakita ng nakakaaliw na komento ni Jodi Sta. Maria sa sweet na larawan ng kaniyang dating asawang si Pampi Lacson at Iwa Moto.

Sa Instagram post kasi ni Iwa ay ibinahagi niya ang sweet photo nila ni Pampi.

“Hihihihi. Love you mahal ko,” saad nito sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aileen Iwamoto (@iam_iwa)

Sa comment section ay may nakakatuwang reaksyon naman si Jodi na talagang kinagiliwan ng mga netizens.

“Ehem-ehem kalat na po ang langgam dito,” biro ng beteranang aktres sa dalawa.

“Nakita mo ba next photo? Alam mo naman pag nilambing ko yan napapagastos sya eh,” sagot naman ni Iwa.

Ang tinutukoy ni Iwa ay ang larawang kasunod ng kissing photo nila ni Pampi, kung saan nakabukas ang kanyang palad at tila may hinihingi sa gulat na si Pampi.

Sumagot muli si Jodi at naintriga kung ano ang hinihingi ni Iwa.

“I wonder kung ano yun heehee,” biro ni Jodi.

Hindi rin nagpahuli si Pampi at sumingit din sa usapan nang dalawa kung saan nagpahaging ito sa pagmomotor niya tila hindi pa pinapayagan ni Iwa.

“Malapit mo na ako siguro payagan magmotor sakto pagaling na mata ko hehehe,” saad ni Pampi.

Kinagiliwan ng netizens ang mabuting relasyon ng tatlo sa isa’t isa, lalo na ni Jodi at Iwa, sa kabila ng kanilang sitwasyon na anila hindi madalas nangyayari.

Ayon sa isang komento, kahanga-hanga ang dalawang aktres dahil pinili nila ang maging masaya na walang hinanakit sa damdamin.

Tila naging inspirasyon naman para sa iba ang mabuting ugnayan nina Sta. Maria at Moto kaya umaasa silang magiging ganoon din ang relasyon nila sa bagong kinakasama ng dati nilang mga asawa.

Chynna Ortaleza aminadong hindi pa siya sanay sa buhay probinsya, nag-a-adjust pa sa bago nilang nilipatan

JM de Guzman at Crisha Uy may namumuong pagtitinginan na nga ba? Tiktok video nila viral sa social media