in

Wil Dasovich naging champion sa international vlog festival sa Malta, maguuwi ng $30,000

Tinanghal bilang kampeon sa Vlogfest Malta 2021 ang Pinoy celebrity vlogger na si Wil Dasovich.

Mag-uuwi ito ng $30,000 o katumbas na P1.5 milyon bilang premyo.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi nito ang nasabing tagumpay.

Maging ang kapatid nitong babae na si Haley at kaibigang si Daniel Marsh na mga vlogger din ay lumahok din sa nasabing kumpetisyon na ginanap noong July 9 hanggang July 14.

Mayroong siyam na iba pang mga vloggers ang nakatunggali ni Dasovich.

Ang ginawa nitong video ay tungkol sa disiplina sa sarili na nagpanalo sa kanya at itinanghal na kampyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich)

Saad ni Wil sa kanyang caption,

“WE DID IT!!! We won the Vlogfest PLUS $30,000 🇵🇭 1st award I’ve ever got that came with a bag, how generous!

“This entire Eurotrip has been one of the most incredible travels of my life and to be honest, before heading on this trip I’d barely even heard of Malta! 🤣 but after weeks on this island I can definitely say it’s one of the most unique countries I’ve been to and Valletta is on my top 5 must see cities in the world!

“I’m gratified through the roof to be casted in this creative group of filmmakers who were all able to showcase this lesser known gem of the Mediterranean in their own customized way of storytelling. Proud of every person in this competition especially team Spain 🇪🇸!(@azul_mistico @enriquealex) & I urge you all to check out each creators’ videos to see the beauty I was up against!”

Sa naturang post ay pinasalamatan din ni Wil ang mga tumulong at sumuposta sa kanyang journey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich)

 

Enrique Gil naniniwalang malaki ang potensyal ni Liza Soberano na manalo sa Miss Universe

Sunshine Garcia at Alex Castro masayang ibinahagi na paparating na ang kanilang second baby