in

Yassi Pressman proud na nag-flex tungkol sa kanyang fitness journey

Nagpakatotoo ang aktres na si Yassi Pressman ukol sa kanyang timbang noon at ikinumpara sa ngayon.

Bagamat hindi na masyado nakikita sa TV, aktibo parin sa kanyang social media account si Yassi. Para magbigay updates sa kanyang mga fans.

Kamakailan nga lamang ay ginulat ni Yassi ang kanyang mga followers ng ipakita ang katotohanan sa likod ng tila s3xy niyang pangangatawan na makikita sa kanyang mga post.

Sa kanyang Instagram, nag post ang aktres ng kanyang larawan kung saan makikita na malaki ang tiyan niya. Kung ikukumpara sa nakasanayan. Pero hindi dahil buntis ito, kung hindi dahil sa kanyang “food belly.”

Aniya, hindi daw lahat ng nakikita sa social media ay totoo sa reyalidad.

Saad ng aktres, “Don’t believe social media all the time, angles that some of us look perfect aren’t always perfect in real life.”

Kasama nito ang mga larawan kung saan makikita ang iba pang anggulo ng kanyang tiyan. Walang pag aalinlangan na ipinakita niya ang iba’t ibang anggulo ng kanyang tummy na nagpapakita na hindi ito gaya ng inaasahan ng marami na super liit.

Pagbabahagi pa nga ni Yassi, ipinamigay niya pa ang mga dati niyang pantalon. Dahil aniya hindi na daw nagkasya ang iba dahil nga sa kanyang pagtaba.

Kristel Fulgar nag construction worker sa sariling pinapatayong bahay

Pokwang hindi napigilang maluha sa kanyang IG Live nang maalala ang kanyang ina