in

Ylona Garcia proud na ibinahagi na nagtatrabaho siya ngayon bilang isang service crew sa Australia

Masayang inanunsyo ng former PBB Housemate na si Ylona Garcia na isa siyang service crew ngayon sa isang fast-food chain.

Sa Instagram post ni Ylona ay ibinahagi niya na nagtatrabaho siya ngayon. Sa isang sikat na fast food chain sa Sydney, Australia bilang service crew kung saan siya nakatira ngayon.

“Hey, ya’ll. I decided to work at @mcdonaldsau. 🙂 Feel free to come thru & I’ll serve you,” caption niya sa isang selfie photo suot ang uniform niya sa McDonalds.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ylona. (@ylonagarcia)

Marami namang netizens ang humanga sa pagiging humble ni Ylona kahit pa isa siyang celebrity sa Pilipinas.

Nagsimula ang kanyang career nang sumali siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition. Noong panahon na iyon, 13 taong gulang pa lamang si Ylona kung saan nakasama siya sa Big Four.

Matapos ang kanyang PBB stint, naging maganda ang showbiz career ng aktres dahil na din sa kanyang talento sa pagkanta. Ito ang isa sa naging dahilan kung bakit mas lalo siyang nakilala sa industriya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ylona. (@ylonagarcia)

Pero malayo na ang buhay ngayon ng dating teen actress sa spotlight at kamera. Dahil isa na siyang proud crew member ng McDonald’s sa Sydney, Australia.

Para sa kalusugan ng kapatid na si Mona, Ivana Alawi handang ubusin ang kung anong meron siya

Robin Padilla sinabing proud siya sa sipag sa negosyo ng asawang si Mariel Padilla